Pinoy Jokes: Like Father Like Son

Sa school...
TEACHER: Juan, sino pumatay kay Jose Rizal?

JUAN: Aba!?... Hindi ako ma'am!!!

TEACHER: Gago ka talaga!!!... Niloloko mo ba ako?....

JUAN: Aba Ma'am, hindi nga po ako!!!

TEACHER: Tarantado ka talaga!!!... Sige, umuwi ka ngayon din at papuntahin mo yung tatay mo dito!!!

(Umuwi sa bahay si Juan at nakita ang tatay nya.)

JUAN: Tay, pinapupunta kayo sa school ng teacher ko....

TATAY: Aba!?... Bakit daw?

JUAN: Ewan ko ho... Tinatanong po kase sakin kung sino daw pumatay kay Jose Rizal....

TATAY: Teka teka!!!... Hindi ako no!!!... Bakit ako?

JUAN: Eh pinapupunta ho kayo eh...

TATAY: Eh hindi nga ako eh!!!...

(Dumating si Lolo at nag salita.)

LOLO: Bakit kase hindi umamin ang isa sa inyo kung sino talaga ang pumatay...

Post Comment